Tayo ang Unyon!


Sa ganitong kalagayan, mahalaga ang estratehiyang Arouse, Organize, Mobilize (AOM)—pagmulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos—upang matiyak ang aktibong pakikilahok ng mga kasapi ng unyon sa mga lokal at pambansang usaping may epekto sa pamantasan at sa mga manggagawa nito. 

Mahalagang tingnan, halimbawa, ang usapin hinggil sa family living wage sa Pilipinas. Malinaw na ang mababang sahod ng karaniwang empleyado sa bansa ay hindi sapat upang makasabay sa mabilis na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo na para sa isang manggagawang may pamilyang sinusuportahan. 

Sa kabila ng yaman ng Pilipinas sa likas na yaman at potensiyal na pang-ekonomiya, nananatiling marami ang nakararanas ng kahirapan. Hindi lamang mga produkto at hilaw na materyales ang iniluluwas ng bansa, iniluluwas din nito ang lakas-paggawa ng mga Pilipino. Ang outward migration o pandarayuhan palabas ng bansa, gayundin ang diaspora, ay matagal nang mahalagang suliraning kinahaharap ng Pilipinas. Sa ganitong konteksto, hindi maihihiwalay ang pakikibaka ng mga manggagawa sa loob ng pamantasan sa mas malawak na kalagayang pang-ekonomiya at panlipunan ng bansa. Ang pagsusulong ng makatarungang sahod, sapat na mga benepisyo, demokratikong mga karapatan, at disenteng kalagayan sa paggawa ay bahagi ng mas malawak na pagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa at ng buong sambayanan.


Union Updates