
Ang All UP Academic Employees Union (AUPAEU) ay nagsasagawa ng sarbey upang malaman kung paano ginamit ng mga guro, REPS, at kawani ng Unibersidad ng Pilipinas ang Professional Development Grant (PDG) na nagkakahalaga ng ₱25,000 para sa Fiscal Year (FY) 2024, na natanggap noong Enero 2025.
Layunin ng sarbey na maidokumento kung paano ginamit ng mga empleado ang grant at kung paano ito nakatulong sa kanilang propesyonal na pag-unlad, pagpapahusay ng serbisyo ng mga uinit/opisina, at pang-araw-araw na pangangailangan. Ang mga resulta ay magsisilbing karagdagang batayan na hinihingi ng Office of the Vice President for Administration sa kasalukuyang panukala ng Unyon para sa pagpapatuloy ng paggawad ng PDG.
Ang lahat ng sagot ay pananatilihing kumpidensiyal at gagamitin lamang bilang batayan sa panukala ng Unyon.

Leave a Reply