Panday Malay Ed Series 2

PANDAY MALAY ED SERIES 2: Academic Freedom, Democratic Governance and Human Rights in the University, matagumpay na naisagawa!

Matagumpay na naisagawa ang Panday Malay Educational Discussion Series 2 noong Lunes, Oktubre 12, 2026 sa UP Open University Headquarters at live na napanood sa official Facebook pages ng Acad Union LB at Acad Union OU Chapter.

Sa nasabing educational discussions, unang tinalakay ni Prop. Willy Alangui, National Auditor ng Acad Union ang kahalagahan at mga hamon sa pangangalaga sa akademikong kalayaan sa UP. Gayundin, naging mayaman ang diskusyon ni Faculty Regent Early Sol Gadong sa usapin ng Demokratikong Pamamahala sa Unibersidad bilang pamantasan ng sambayanan. Sinundan naman ni Prop. Rommel Rodriguez, Pangulo ng Acad Union ng makabuluhan na bahaginan sa karapatang pantao sa sektor ng edukasyon at integrasyon nito sa kurikulum.

Nagbigay ng reaksyon at muni ang mga union representative mula sa Acad Union LB na sina Mr. Jeric Villanueva at Mr. Emil Lat na bahagi ng chapter council ng LB Chapter.

Antabayanan ang huling serye ng ating educational discussion sa Oktubre 26, 2026.

Ang gawain na ito ay bahagi pa rin ng pag-aaral at pakikibaka ng akademikong sektor sa Unibersidad. Mabuhay ang Militante, Progresibo at Makabayang Unyonismo!

#mpmu25taon#PandayMalaySeries#AcadUnionMonth2026

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *