
Implementasyon ng CNA at Panawagan para sa 40K PDG, patuloy na ikinakampanya ng ating unyon.
Kasabay ng ating mga gawain ngayong Academic Union month ang pag-ikot ng ating pambansang opisina sa mga constituent universities ng Unibersidad ng Pilipinas.
Muling nakapagsagawa ng dayalogo ang ating unyon kina University of the Philippines Open University Tsanselor Joane Serrano at University of the Philippines Los Banos Tsanselor Dong Camacho upang maging katuwang ang kanilang administrasyon sa implementasyon ng ating Collective Negotiation Agreement at pagsasagawa ng CNA orientation para sa mga administrador. Hiniling din natin ang kanilang suporta sa ating kampanya para sa 40K Professional Development Grant na isinusulong natin ngayong taon.
Bukod dito, nailatag din natin sa mga isinagawang dayalogo, partikular sa UP Los Banos ang pagbuo/rekonstitusyon ng Committee on the Promotion and Protection of Academic Freedom and Human Rights (CAFHR), ang pagkakaroon ng Union Representation sa mga DAPC at CAPC, at suporta para sa institusyonalisasyon ng Faculty Welfare Council.
Nakasama rin ng ating unyon si FR Early Sol Gadong bilang pakikiisa sa ating mga kampanya at panawagan sa naging pagbisita natin sa OU at LB.
Magpapatuloy ang serye ng dayalogo ng ating unyon sa iba’t ibang pamunuan ng mga CUs ngayong buwan ng Oktubre bilang bahagi ng ating Ikot Unyon at pagdiriwang ng ating ika-25 taong anibersaryo.

Leave a Reply